Bakit Humahalik sa Lupa ang Butiki?

Noong unang panahon may isang balong babae na nakatira sa isang malayong lugar. Naging bunga ng kanilang pagmamahalan ng kanyang yumaong asawa ang isang malusog na sanggol na lalaki. Nag-iisang inaruga at binuhay ng balo ang kanyang supling. Masayang namumuhay ang mag-ina. Pinalaki nito ang anak na puno ng pagmamahal at pag-aaruga. Ang pangalan ng balo ay si Aling Teryang at ang batang lalaki ay si Butchoy. Lumaki si Butchoy na lahat ng payo at utos ng ina ay sinusunod. Walang naging malaking problema ang mag-ina. Subalit nang siya’y naging ganap na binata ay nagkagusto siya sa isang dalaga sa kanilang lugar. Ang dalaga ay nagngangalang Teklay, ubod ng ganda. Ngunit kabaligtaran naman nito ang kanyang ugali. Na “inlove” ang binata ngunit hindi siya ang tipo ng dalaga. Dahil sa kakulitan ng binata ay sinubukan ni Teklay ang pagmamahal ng binata sa pamamagitan ng isang kundisyon. Gusto ng dalaga na kapalit ng kanyang pagmamahal ay ang puso ng kanyang mahal na ina. Ito ang mabigat na kundisyon ni Teklay. Gayunpaman, dahil sa tindi ng kanyang pagmamahal sa dalaga ay nakayanan niyang patayin ang sariling ina bilang patunay na totoo ang kanyang intensiyon at pagmamahal. Dahil sa pangyayari, nagalit ang diyosa ng pag-ibig kaya pinarusahan nito ang binata. “Nagawa mong patayin ang iyong ina na labis na nagmamahal sa iyo dahil lamang sa hangal mong pagmamahal sa isang dalagang walang pakiramdam?”Kaya ikaw lalaki ay maparurusahan gawin kitang isang butiki at tuwing sasapit ang ala sais ng gabi, ikaw ay bababa sa lupa upang humalik at magbigay galang. Hanggang sa kasalukuyan, kahit saan man sila naroroon, pagsapit ng ala sais ay bumababa ang mga butiki upang magbigay galang at halikan ang lupa.

Maiuugnay ko ito sa ating buhay kung minsan labis ang ating pagmamahal at pagtitiwala sa mga taong malapit sa atin ngunit hindi rin pala wagas ang pagmamahal na ipinapakita sa atin. May mga pagkakataong maaring sinuway na natin ang mga magulang at kapamilya upang mapatunayan lamang na mahal natin sila. ‘Yun pala may iba rin silang pinaglalaanan ng kanilang pagmamahal. Kung minsan mas pinili nating saktan ang ating mga kapamilya kaysa sa ibang taong wala namang kasiguraduhan. Magsisi man tayo di na natin maibabalik ngunit magagawan pa natin ng paraan upang maitama ito.

Kagaya ni Butchoy kahit magsisi man siya di na niya maibalik ang buhay ng kanyang sariling ina. Kaya bago tayo gagawa ng anumang desisyon pag-isipan natin ng maraming beses. Maaari rin tayong humingi ng tulong sa mga taong may kinalaman sa ating mga problema.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: